Sa panahon ngayon ng Pandemya marami ang sa atin ay natatakot sa mga pangyayari sa ating paligid, kaya tayo ay naghahanap ng solusyon upang tayo ay maprotektahan at ito ay sa pamamagitan ng vaccine. Si COVID hindi lang impeksyon and dala maging takot at pangamba. Ngunit ang salita ng Diyos ay nagsasaad sa atin tungkol sa Safeguard ng buhay, si apostol Pablo ay kanyang dinidiin lagi sa mga taga FIlipos na ano mang mangyari ay magalak sa Lord, ito pala ang paraan kung paano tayo ay nasa safe place. protected and blessed. Napakasarap na nasa piling ng Diyos at tiyak ang proteksiyon Niya ay ating mararanasan sa tuwing tayo ay lumalapit sa Kanya. Payapa ka na, may biyaya ka pang matatanggap sa Diyos na sa atin ay nagmahal. Purihin ang Diyos! Ang Diyos ay buhay!
Saturday, January 8, 2022
Friday, January 7, 2022
Waiting Is An Art
Isa sa mahirap ay ang maghintay lalo na't wala ka palang hinihintay. Nasasayang ang oras mo, panahon at pangyayari. Waiting is an art, naghiintay ka sa magandang resulta ng iyong obramaestra, may ginagawa ka habang may hinihintay kang magandang outcome. Waiting on God is a form of art or skill, ang tunay na Artist hindi sya nababagot o naiinip sa kanyang work of art instead excited sya sa magandang result ng kanyang gawa at paghihintay. Mismo ang verse na ito ay nagsasabi na ang Diyos ay dumirinig ng ating tinig, ang kailangan lang ay mag-expect. Habang nag-eexpect kailangan ay mabuo sa ating isip at puso natin ang tunay na magagandang gagawin ng Diyos sa buhay at panalangin natin. At sa paghihintay sa Lord ay lumakas ka na, mapapagpala ka pa! Purihin ang Diyos! Ang Diyos ay buhay!
Thursday, January 6, 2022
Yes! Peculiar
Peculiar! kakaiba, tangi. Iyan ang ating Diyos, maraming nakakapagpasaya sa atin sa mundong ito: bagong bahay, sasakyan, at sabi nga ni David kahit masaganang ani. Kinumpara nya ang saya na dulot ng masagang ani sa relasyon nya sa Diyos at sa piling nito. Peculiar talaga ang Diyos dahil Siya ang pumupuno ng kagalakan sa puso at nagbibigay ng sigla, saan ka nakakita wala namang dumarating na pagpapala o mga bagay na karangyaan ngunit ang saya-saya mo dahil nasa piling ka ng Lord hindi tulad kapag nakabatay ang saya mo sa mga bagay lang na gusto mo siguradong pag wala na ito muli ka na namang malulungkot dahil ang saya na dulot ng mundo ay pansamantala lamang ngunit sa Diyos kagalakan ay sumasagana. Kaya mga kapatid lapit lagi sa Diyos at i-enjoy sa piling Niya. Anyayahan palagi ang kanyang Banal na Espiritu na tumahan sa iyo. Purihin ang Diyos! Ang Diyos ay buhay!
Wednesday, January 5, 2022
No!
NO! used to give a negative response, something unacceptable or forbidden. Yes! the Lord is good, holy, and patient, ngunit hindi ibigsabihin ay hindi na Sya sasawata at magsasabi ng NO! Lalo na't negatibo ang sinasabi at hindi appropriate sa sitwasyon. Bumabatay ang Diyos sa nakasulat na o sa kanyang salita na puno ng katotohanan at kapangyarihan. Sasagot ang Diyos ng negatibo sa aksyon at salita din nating negatibo dahil alam nya ang totoo at makakabuti para sa akin at sayo. Purihin ang Diyos! Ang Diyos ay buhay!
Tuesday, January 4, 2022
Teacher Grace
Kaalaman at karunungan, iyan ang hinahanap ng tao upang maabot ang kanyang pangarap ngunit sa huli bigo pa rin dahil ang turo ng mundo ay taliwas sa totong kahulugan ng buhay. Ngunit mayroon pa lang magaling na Teacher na nagtuturo ng tama at patungo sa buhay na kasiya-siya walang iba ang biyaya ng Diyos. Si Teacher Grace, ito ay nagpapakita palagi sa atin ngunit kakaunti ang nakakapansin sa kanya, salamat isa ako at ikaw ang nagbibigay ng panahon sa kanya. Ang tamang turo na makukuha sa kanya ay ang pagsasabi ng "NO" sa mga bagay na masasama at hindi tamang gawa! Ang tunay na matalino at maalam na tao ay sila 'yung mga tao na nakikinig sa aral ng Grace ni Lord, at ito ay ang pag-iwas at pagtalikod sa kasalanang magpapalungkot sayo. Purihin ang Lord! Ang Diyos ay buhay!
Monday, January 3, 2022
I Can! I Can!
Instead Pray
Philippians 4:6-7 NLT
6 Don’t worry about anything; instead, pray about everything. Tell God what you need, and thank him for all he has done. 7 Then you will experience God’s peace, which exceeds anything we can understand. His peace will guard your hearts and minds as you live in Christ Jesus.
Sunday, January 2, 2022
What Love Is This - Kari Jobe (cover by Justine Albaran) Times of Refreshing Evening Devotion
God is love and everything He does is for the betterment of human life. God’s love is something that no man could possess.
1 John 4:16-19
Here's a song that will remind us what God's love is.
Enjoy and be blessed.
What love is this - Kari Jobe (cover by Justine Albaran)
Because they trust in You
Peace? Iyan ang hinahanap ng tao, sa mundong puno ng gulo at hapis. Hinahanap sa iba't ibang angulo ng buhay; sa pera, relasyon at maging sa droga kung paano makalaya. Ang kailangan lang ang ating kaisipan ay naka-set lang sa ating lumikha na makayang baguhin ang masamang sitwasyon ng buhay tungo sa kapayaan. Tiwala lang sa Prinsipe ng kapayapaan walang iba kay Hesus na ating Panginoon. Ang Diyos ay buhay!
Subscribe to:
Comments (Atom)