Kaalaman at karunungan, iyan ang hinahanap ng tao upang maabot ang kanyang pangarap ngunit sa huli bigo pa rin dahil ang turo ng mundo ay taliwas sa totong kahulugan ng buhay. Ngunit mayroon pa lang magaling na Teacher na nagtuturo ng tama at patungo sa buhay na kasiya-siya walang iba ang biyaya ng Diyos. Si Teacher Grace, ito ay nagpapakita palagi sa atin ngunit kakaunti ang nakakapansin sa kanya, salamat isa ako at ikaw ang nagbibigay ng panahon sa kanya. Ang tamang turo na makukuha sa kanya ay ang pagsasabi ng "NO" sa mga bagay na masasama at hindi tamang gawa! Ang tunay na matalino at maalam na tao ay sila 'yung mga tao na nakikinig sa aral ng Grace ni Lord, at ito ay ang pag-iwas at pagtalikod sa kasalanang magpapalungkot sayo. Purihin ang Lord! Ang Diyos ay buhay!
No comments:
Post a Comment