Friday, January 7, 2022

Waiting Is An Art


Isa sa mahirap ay ang maghintay lalo na't wala ka palang hinihintay. Nasasayang ang oras mo, panahon at pangyayari. Waiting is an art, naghiintay ka sa magandang resulta ng iyong obramaestra, may ginagawa ka habang may hinihintay kang magandang outcome. Waiting on God is a form of art or skill, ang tunay na Artist hindi sya nababagot o naiinip sa kanyang work of art instead excited sya sa magandang result ng kanyang gawa at paghihintay. Mismo ang verse na ito ay nagsasabi na ang Diyos ay dumirinig ng ating tinig, ang kailangan lang ay mag-expect. Habang nag-eexpect kailangan ay mabuo sa ating isip at puso natin ang tunay na magagandang gagawin ng Diyos sa buhay at panalangin natin. At sa paghihintay sa Lord ay lumakas ka na, mapapagpala ka pa! Purihin ang Diyos! Ang Diyos ay buhay!

No comments:

Post a Comment

Ala-alang Itinalaga