Thursday, January 6, 2022

Yes! Peculiar


Peculiar! kakaiba, tangi. Iyan ang ating Diyos, maraming nakakapagpasaya sa atin sa mundong ito: bagong bahay, sasakyan, at sabi nga ni David kahit masaganang ani. Kinumpara nya ang saya na dulot ng masagang ani sa relasyon nya sa Diyos at sa piling nito. Peculiar talaga ang Diyos dahil Siya ang pumupuno ng kagalakan sa puso at nagbibigay ng sigla, saan ka nakakita wala namang dumarating na pagpapala o mga bagay na karangyaan ngunit ang saya-saya mo dahil nasa piling ka ng Lord hindi tulad kapag nakabatay ang saya mo sa mga bagay lang na gusto mo siguradong pag wala na ito muli ka na namang malulungkot dahil ang saya na dulot ng mundo ay pansamantala lamang ngunit sa Diyos kagalakan ay sumasagana. Kaya mga kapatid lapit lagi sa Diyos at i-enjoy sa piling Niya. Anyayahan palagi ang kanyang Banal na Espiritu na tumahan sa iyo. Purihin ang Diyos! Ang Diyos ay buhay! 

No comments:

Post a Comment

Ala-alang Itinalaga