Tuesday, January 11, 2022
My Shield
Proteksyon ang hanap ng lahat sa mga panahon ngayon ng Pandemic, lahat gagawin para lang hindi makaranas ng Covid. Ngunit kahit fully vaccinated na tinatablan pa rin ni Covid. Alam mo ba na merong mas matinding virus kaysa kay Covid? ito ay ang tatlong letra lang: ito ay SIN. Pag ito ay nakapasok ng husto sa tao at napabayaan, siguradong ipapahamak ka nya hanggang makarating ka sa tunay na kapahamakan walang iba ang impyerno. Maraming salamat may salita ng Diyos na laging nagpapaalala sa atin na ang ating SHIELD ay walang iba ay ang ating Panginoong Diyos kung tao ay mayroong malinis at tamang puso. Dahil ang Lord ayaw ng kasalanan, ito ay marumi at mabaho sa Lord. Ikaw ba? nasisiyahan ka ba kung may kausap ka na, marumi na at mabaho pa? Ganoon din ang ating Lord, nais Niya sa ating paglapit ay malinis tayo, ito ay magagawa lang sa paglapit sa Panginoong Hesus at pagsuko ng buhay sa Kanya upang maranasan natin ang paglilinis ng ating buhay. Alam ko nais mo ay protektado, gawin mo na isuko mo ang buhay mo sa Diyos at magpalinis sa kanyang presensya. Lapit na kapatid at anyayahan mo sa iyong puso at buhay ang Panginoong Hesus. Purihin ang Panginoon. Ang Diyos ay buhay!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment